Unti-unti nang nakikita ang kahandaan ng Pilipinas para sa ganap na pag-alis ng COVID National Health Emergency sa bansa.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante na mahalagang factor dito na hindi na lumalampas sa higit 1,000 ang naitatalang COVID-19 cases kada araw.
Bukod dito, isa rin aniya sa mga indicator ang pagiging stable ng COVID-19 positivity rate ng Pilipinas na nananatili na lamang sa 5 percent hanggang 6 percent.
Ito aniya ay bahagi na ng acceptable positivity rate ng COVID-19.
Bukod dito, malaking bagay rin aniya na hindi na napupuno ang mga ospital, at nananatiling mababa ang hospital at ICU utilization rate ng bansa. | ulat ni Racquel Bayan