Kiinumpirma ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na dadalo virtually si Congressman Arnulfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa gagawin nilang pagdinig sa April 17.
Ito ay kaugnay ng kaso ng pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Syon kay Dela Rosa, ang kumpirmasyon ay base sa pakikipag-ugnayan ng kampo ni Teves sa pinamumunuan niyang Senate Committee.
Hindi naman alam ni Dela Rosa kung ano ang motibasyon ni Teves sa pagdalo sa senate hearing sa halip na tugunan ang naunang panawagan ni House Speaker Martin Romualdez na bumalik na sa bansa at harapin ang kaniyang kaso.
Sa palagay ng senador ay nais gamitin ng kongresista ang ikakasang senate inquiry para ibahagi ang kaniyang panig kaugnay ng pagkakasangkot niya sa kaso ng pagpaslang kay Governor Degamo.
Muli namang sinabi ni Dela Rosa na sakaling hindi matuloy ang pagdalo ni Teves sa Senate Hearing ay hindi nya ito ipapa-contempt bilang pagkilala sa tradisyon ng interparliamentary courtesy. | ulat ni Nimfa Asuncion
: Office of Sen. Ronald Dela Rosa