Asahan na lalo pang magsusumikap ang House of Representatives sa paglilingkod sa publiko.
Ito ang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez matapos niyang makakuha ng 51% approval rating sa isinagawang March 2023 Pulse Asia Survey.
Kasama si Romualdez sa top government officials na nakakuha ng mataas na approval rating kasama sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may 78% rating; Vice President Sara Duterte na may 83%; at Senate President Migz Zubiri na mayroon ding 51%.
Ayon kay Romualdez, nakakataba ng puso ang nakikita ng publiko ang kanilang pagta-trabaho para magpasa mga batas na makakatulong sa bawat Pilipino.
Kaya’t bilang sukli ay lalo pa nilang pagbubutihin ang pagsusulong ng 8-point socioeconomic agenda ng Marcos Jr. administration.
“It is heartening to know that a majority of our people appreciate our earnest effort to pass measures to create jobs and business opportunities, provide assistance to the poor, and build a better future for all Filipinos. As a token of our gratitude, we will work even harder to pass the pending bills to advance the 8-point socioeconomic agenda of President Ferdinand R. Marcos, Jr. designed to uplift the lives of our people,” ani Romualdez.
Batay sa rin sa naturang survey, 57% ng mga taga-Maynila ang kumpiyansa sa trabaho ni Romualdez bilang lider ng Kamara habang 77% ang sa Visayas, 58% ang sa Mindanao at 66% mula sa class E.
Bago ito ay nakakuha ng +56% net satisfaction rating ang Mababang Kapulungan sa hiwalay na survey ng SWS. | ulat ni Kathleen Jean Forbes