Aprubadong “Code of Professional Responsibility and Accountability,” inilunsad ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng Korte Suprema ngayong araw ang aprubadong “Code of Professional Responsibility and Accountability” (CPRA).

Ang national launching ay idinaos sa Manila Hotel, kung saan nanguna si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo at pwersa ng mga mahistrado.

Habang dinaluhan naman ang paglulunsad ng iba pang mga miyembro ng hudikatura at mga abogado, piskal, hurado at iba pang bahagi ng legal profession at academe.

Ang CPRA ay nauna nang inaprubahan “unanimously” o ng lahat ng 15 mahistrado ng Korte Suprema sa summer session nila sa Baguio City.

Ito ay magiging kapalit ng 34 na taong Code of Professional Responsibility o CPR ng mga abogado, para gawing updated at magsulong ng moderno, napapanahon, at nakatutugon na gabay sa hanay ng mga abogado.

Kabilang sa bagong code ay ang probisyon ukol sa regulasyon at responsibilidad ng mga abogado sa paggamit ng “social media.”

Maliban dito, nakasaad sa bagong code ang pagbabawal sa mga abogado na magkaroon ng “dating relationship” o relasyon sa kani-kanilang mga kliyente. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us