Hati ang ilang Marikeño sa hakbanging bigyan ng lisensya ang mga gumagamit ng bisikleta kasama na iyong mga e-bike at e-trike.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, may ilang nagsabi na bisikleta na lamang ang pinakamura nilang mabibili para makapunta sa kanilang patutunguhan.
Katuwiran nila, may itinalaga nang bike lane para doon sila dumaan kaya’t para sa kanila ay hindi na kailangan ang lisensya.
Para naman sa katulad ng magtataho na si Mang Jaime, malaking bagay ang pagkakaroon ng lisensya ng mga nagbibisikleta dahil bukod sa madali na silang mahuhuli sakaling lumabag sa batas trapiko, madidisiplina rin ang mga ito.
Para sa tulad niyang nagtitinda ng taho na gumagamit ng bisikleta, kung may lisensya ang bicycle driver, makaiiwas sa takas sa sandaling maka-aksidente ang mga ito. | ulat ni Jaymark Dagala