Tuloy-tuloy na ang konstruksyon para sa susunod na phase ng Pasig River Urban Development Project.
Ayon sa DHSUD, ang susunod na bahagi ng Pasig Bigyang Buhay Muli Project ay pinalawak pa sa Intramuros area sa Maynila.
Sinabi ni DHSUD Sec. Acuzar na makatutulong ito ng malaki sa turismo at maging sa lokal na ekonomiya sa lungsod ng Maynila.
Kamakailan lang ay pinangunahan ni Secretary Rizalino Acuzar ang pag-iinspeksyon sa nagpapatuloy na konstruksyon para sa Pasig Rehab project.
Dito, inatasan ng kalihim si Asec. Johnson Domingo at Architect Carlo De Castro na mahigpit na tutukan ang proyekto hanggang sa makumpleto ito.
Ang revitalization project sa Pasig River ay alinsunod sa Executive Order No. 35, na inisyu ng Pangulong Marcos Jr. na layuning maibalik ang sigla ng makasaysayang llog Pasig. | ulat ni Merry Ann Bastasa