Nagsagawa ng storytelling activity para sa Children with Disability (CWD) ang Muntinlupa City Public Library (MCPL) bilang bahagi ng programang “Basa Batang Munti”.
Ang mga batang PWD mula sa Association of Persons with Disabilities Putatan, Inc., kasama ng kanilang mga magulang ay bumisita sa MCPL bilang bahagi ng pagdiriwang sa National Down Syndrome Consciousness Month.
Ang “Basa Batang Munti” program ay isang ‘storytelling activity’ kung saan tinuturuan at binabasahan ng mga kwentong pambata na kapupulutan ng aral ng mga batang Muntinlupeño.
Parte ito ng gabay sa pagpapakatao ng “Womb to Work” program upang mahikayat ang mga batang Muntinlupeño sa pagbabasa at palakasin ang ‘karunungan agenda’ sa lungsod. | ulat ni AJ Ignacio
📷: Muntinlupa LGU