Nagkaloob ng P5 milyon na tulong pinansyal ang Maynilad Water Services, Inc sa National Irrigation Administration para sa mga magsasaka sa Bulacan.
Personal na iniabot ng Maynilad ang financial assistance sa NIA Region 3 – Bulacan Irrigation Management Office sa, San Rafael, Bulacan.
Ayon kay NIA Region 3 Manager at OIC Deputy Administrator for Engineering and Operations Sector Engr. Josephine Salazar, ang nasabing halaga ay gagamitin para sa El Niño mitigation program para sa mga magsasaka.
Makatutulong ito upang mapalakas ang katatagan ng ahensya sa El Niño at binibigyang diin ang halaga ng Public-Private Partnerships sa pagtugon sa climate-related concerns .
Nagbibigay-daan din ito sa NIA na magsagawa ng iba’t ibang inisyatiba na target mapagaan ang mga epekto ng El Niño sa water availability at agricultural productivity.
Sa pamamagitan nito, makikinabang ang mga magsasaka sa Bulacan sa tulong ng mga plano at programa ng ahensya. | ulat ni Rey Ferrer
📷: NIA