Social Protection Programs para sa Cultural Communities at IPs, palalakasin ng DSWD, NCIP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Papahusayin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng social protection programs para sa mga Indigenous Cultural Communities/at Indigenous Peoples sa bansa.

Nagpulong na si DSWD Secretary Rex Gatchalian at si National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Chairperson Allen Capuyan upang tuklasin ang iba pang paraan upang mapalakas ang mga programa para sa ICCs at IPs.

Binigyan ni Chairperson Capuyan ang kalihim ng maikling oryentasyon sa mga programa, proyekto sa hinaharap, at mandato ng NCIP ,gayundin ang kasalukuyang sitwasyon ng mga ICC at IPs sa Pilipinas.

Pinuri naman ng Kalihim ang NCIP para sa mga pagsisikap at inisyatiba nito tungo sa pagpapalakas ng mga kakayahan at potensyal ng mga ICC at IPs sa nation-building. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us