Binawian ng buhay ang ABC President ng Isabela City at Punong Barangay ng Seaside na kinilalang si Franklyn Galos Tan matapos tambangan ng hindi pa kinilalang mga suspek sa isang hotel sa lungsod ng Zamboanga kagabi.
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-9 kagabi nang pagbabarilin ng mga suspek ang biktima kasama ang dalawang iba pa na punong barangay din ng Isabela City sa loob ng isang hotel sa siyudad.
Nakaligtas sa insidente ang kasama ng biktima na si Daryl Jalani, Punong Barangay ng Kaumpurnah Zone III habang nagtamo ng minor injury si Jaider Jundam, Punong Barangay ng Kaumpurnah Zone I.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek na nakatakas matapos ang insidente.| ulat ni Shirly Espino| RP1 Zamboanga