Umakyat na sa P217 milyon na halaga ng tulong ang naibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong residente ng oil spill, bunsod ng paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro, ika-28 ng Pebrero.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni DSWD Asec. Romel Lopez na kabilang na dito ang relief goods at non food items.
“Well, recently nga po, napasama na rin po iyong ilang bahagi po ng probinsiya ng Batangas sa mga naaapektuhan, nasa 3,500 family food packs na po iyong naipamamahagi natin sa probinsiya po ng Batangas.” Asec Lopez.
Gumagana rin aniya ang financial assistance ng tanggapan, maging ang emergeny cash transfer at cash for work.
Ayon sa opisyal, Marso pa nang simulan ang cash for work program ng tanggapan.
Higit 16, 000 indibidwal na ang natulungan ng programa, at binabalak pa ng pamahalaan na palawigin ito.
“Well, recently nga po, napasama na rin po iyong ilang bahagi po ng probinsiya ng Batangas sa mga naaapektuhan, nasa 3,500 family food packs na po iyong naipamamahagi natin sa probinsiya po ng Batangas.” —Asec Lopez
| ulat ni Racquel Bayan