PBBM: Pag-alis ng health professionals sa ASEAN region upang mag-trabaho sa ibang bansa, kailangan matugunan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kailangang makahanap ng paraan ang Southeast Asian countries upang tugunan ang usapin ng rehiyon sa pag-alis ng healthcare workers nito, upang magtrabaho sa mas malalaking bansa.

Isa ito sa mga tinalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa courtesy call ng mga opisyal ng Temasek Foundation sa Malacañang.

Isa itong non-profit philanthropic arm ng state sovereign fund ng Singapore, na sumusuporta sa mga programa at istratehiyang nag-aangat ng buhay at tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad sa Singapore.

Ayon kay Pangulong Marcos, ipinagmamalaki ng Pilipinas ang mga doktor at nurse nito, at ang papel na kanilang ginampanan noong kasagsagan ng pandemiya.

“We are very proud of (our nurses and doctors) and the role they play during the height of the pandemic but as I said, we are a victim of our own success,” —Pangulong Marcos.

Ito ang dahilan ayon sa pangulo, kung bakit kailangang mag-adjust ng pamahalaan, at magalok ng kaparehong oportunidad na iniaalok rin ng mga bansa sa Kanluran.

“But you know, we have to adjust and find other ways. We have to give them at least equal opportunities at home. It is very clear that most Filipino overseas workers are willing to take less in terms of pay so long as they can stay here,” —Pangulong Marcos.

Sinabi ni Pangulong Marcos na kung magagawa ng Singapore na solusyunan ang problemang ito, malaki ang maitutulong nito sa problema ng Southeast Asian region sa healthcare sector.

“Ms. Jennie Chua said the Singapore nursing association has agreed to register nurses in Singapore to arrest human capital flight in the sector after the country lost 400 nurses to New Zealand, which offered permanent residency (PR).” —PCO Secretary Garafil

| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us