3 barkong pandigma ng Pilipinas at U.S., dumating sa Palawan para sa Amphibious Assault Exercise

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating kahapon sa Joint Area of Operations ng Western Command (Wescom) ang tatlong barkong pandigma ng Pilipinas at Estados Unidos para sa Amphibious Assault Exercise na bahagi ng Balikatan 38-2023 Military Exercise.

Kalahok sa ehersisyo ang BRP Jose Rizal (FF150), isa sa mga pinakabagong barko ng Philippine Navy, at BRP Tarlac (LD601), kasama ang United States vessel USS Makin Island (LHD8).

Magtatagpo muna ang tatlong barko sa bisinidad ng Dumaran Island sa Palawan para magsagawa ng communication exercises ngayong araw.

Tutuloy ang mga ito sa Brooke’s Point, Palawan para sa isasagawang “amphibious raid” sa baybayin ng Brgy. Samariñana.

Ang Balikatan 38 – 2023 ang pinakamalaking sabayang pagsasanay ng AFP at US military sa kasaysasyan na nagsimula noong April 11 at tatagal hanggang April 28. | ulat ni Leo Sarne

?: NFW

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us