Ikinukonsidera na ng Office of the Civil Defense (OCD) ang posibleng pagpapasaklolo sa Amerika para apulahin ang malawakang forest fire sa Benguet.
Ito ang inihayag ng OCD matapos ang isinagawang pagpupulong sa pagitan nila at ng United States Agency for International Development o US AID para sa posibleng “intervention” nito.
Ayon kay OCD Assistant Secretary Hernando Caraig Jr., nagdudulot na ng malaking pinsala sa kalikasan ang nagpapatuloy na forest fire sa nabanggit na lalawigan.
Present din sa naturang pulong ang mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) na siyang nagbibigay ng update sa sitwasyon.
Nabatid na tumutulong na ang Philippine Air Force (PAF) para maapula ang grass fire sa Benguet at kinokonsidera na rin sa ngayon ang pagsasagwa ng cloud seeding operations. | ulat ni Jaymark Dagala