Nagsagawa ng Combined Joint Logistics Over the Shore (CJLOTS) exercise ang mga tropa ng Armed Forces of the Philippines at US Military sa Casiguran, Aurora bilang bahagi ng Balikatan 38 – 2023.
400 sundalong Amerikano at 200 tauhan ng AFP ang lumahok sa ehersisyo na kinatampukan ng pag-diskarga ng kargamento sa dalampasigan mula sa mga barko gamit ang Amphibious Transport.
Layon ng ehersisyo na subukan ang kakayahan ng magkaalyadong pwersa na maghatid ng mga suplay sa pagkakataon na hindi maaring gamitin ang mga regular na port facilities dahil sa kalamidad o presensya ng kalaban.
Ang Balikatan 38 – 2023 ang pinakamalaking sabayang pagsasanay ng AFP at US military sa kasaysasyan na nagsimula noong Abril 11 at tatagal hanggang Abril 28. | ulat ni Leo Sarne
?: Naval Forces Northern Luzon PAO