Patuloy na susuportahan ng Department of Tourism (DOT) ang mga programa at proyektong pang turismo ng Zamboanga Peninsula.
Ito ang naging pahayag ni Secretary Cristina Frasco sa pagtungo nito sa Zamaboanga City, upang bisitahin ang ibang mga tourism site sa Zamboanga.
Aniya, makakaasa ang buong Zamboanga na mabibigyan nila ng prayoridad ang mga programa at mga proyektong mas lalong magpapayabong pa sa tourism sector ng naturang rehiyon.
Isa na rito ang pagpapatayo ng mga tourist rest area at tourism road infrastructure upang mas mailapit na ito sa mga turista. | ulat ni AJ Ignacio