Nagpahayag ng paniniwala si Mr. Eutropio Cesista, ang ama ng abogadong nasawi sa enkwentro sa Bilar, Bohol, na biktima ng NPA recruitment ang kanyang anak na si Hannah Jay Cesiste.
Si Hannah ay kabilang sa limang miyembro ng NPA na nasawi sa naturang enkwentro noong February 23.
Sa kanyang mensahe sa mga mamamahayag, sinabi ng nakatatandang Cesiste na duda na siya noong nagpaalam ang kanyang anak na sasali sa National Union of People’s Lawyers (NUPL) pero pinayagan niya ito dahil napaniwala siya na puro abogado ang miyembro ng grupo.
Sa isang kalatas, hinamon naman ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Ernesto Torres Jr. ang NUPL na ipaliwanag sa publiko kung paano naging miyembro ng NPA ang isa sa kanilang mga miyembro.
Una na ring kinondena ni Usec. Torres ang umano’y pagkakalat ng kasinungalingan ng NUPL na inaresto at tinorture ang mga nasawing NPA, para umano pagtakpan ang pagiging teroristang komunista ng kanilang miyembro. | ulat ni Leo Sarne
📸: NTF-ELCAC