Patuloy na tinutukan ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga forest fire sa kabundukan ng Benguet, sa pagpasok ng Fire Prevention Month.
Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, sa 13 lugar na naapektuhan ng forest fire sa Benguet, lima ang idineklara na ngayong fire out, lima ang under control status, at tatlong lugar ang nasa ilalim pa rin ng firefighting operations.
Ilan naman sa nakikitang hamon ng OCD sa response operations ay ang lokasyon ng forest fire dahil hindi ito ma-access ng mga fire trucks, maging ang kakulangan sa mga kagamitan ng mga responders.
Nagpasalamat naman ang OCD sa mga eksperto mula sa United States Agency for International Development (USAID) na naghayag ng kanilang kahandaang tumulong sa suppresion operations sa forest fire.
Samantala, ngayong Fire Prevention Month, sinabi ng OCD na palalakasin pa nila ang kakayahan ng bansa sa pagtugon sa iba’t ibang insidente ng sunog. | ulàt ni Leo Sarne