Nagsagawa na ng inisyal na pakikipagpulong ang Philippine National Police sa Commission on Elections bilang paghahanda para sa 2025 midterm elections.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief at spokesperson PCol. Jean Fajardo, target ng PNP na pababain ang bilang ng Election Related Incidents.
Ito’y kasunod ng naitalang bahagyang pagtaas ng mga insidente ng karahasan sa nakalipas na halalan.
Samantala, sinabi naman ni Fajardo na magkakaroon sila ng command conference sa Marso 4 kaugnay naman sa pagdaraos ng plebisito sa Marawi.
Tinitingnan kasi ang posibilidad na pagsabayin na ang 2025 midterm elections sa pagdaraos ng plebesito. | ulat ni Leo Sarne