Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga programang inihanda para sa isinagawang Panabangan Si Kasanyangan o Peace Offering Ceremony sa Sumisip Basilan.
Kabilang dito ang ceremonial destruction ng may 400 isinukong mga hindi lisensyadong armas na pinasagasaan sa road roller truck o pison.
Ang mga winasak na loose firearms ay binubuo ng daan-daang low at high powered firearms.
Kasama din sa mga pinangunahang aktibidad ng Pangulo sa Sumisip, Basilan ay ang pagkakaloob ng livelihood o pangkabuhayan para sa mga nagsisukong dating mga rebelde at ilang mga sibilyan.
Kabilang sa ibinigay na pangkabuhayan ay ang walong mga motorsiklo na kung saan, tatlo ay ipinagkaloob sa dating BIAF-MILF… tatlo ay ibinigay sa tatlong sibilyan at isang dating Abu Sayyaf. | ulat ni Alvin Baltazar