Plano ng Department of Agriculture na gawing main hub ng KADIWA sa Metro Manila ang Food Terminal Incorporated sa Taguig City.
Kasama ito sa natalakay sa ginawang pulong nina DA Asec. for Legislative Affairs, DLLO, and Consumer Affairs at KADIWA Head Atty. Genevieve E. Velicaria-Guevarra, Special Assistant to the Secretary Daniel Atayde, at Agribusiness Marketing Assistance Service (AMAS) Director Junibert De Sagun kasama sina FTI President & CEO Atty. Lara R. Brusola at VP for Operations Emmanuel S. Bangui.
Ininspeksyon din ng mga opisyal ang cold storage area, staging area at parking area ng mga food truck.
Target na mailinsad ang KADIWA hub sa FTI sa buwan ng Abril.
Kaugnay nito, tuloy tuloy naman ang rollout ng Kadiwa sites ngayong araw na nakapwesto sa Mandaluyong, QC, Paranaque, Las Pinas, Caloocan at Valenzuela City.
Ang Kadiwa ay isang programa ng Department of Agriculture na naghahatid sa urban consumers ng mga sariwa at de-kalidad na agri-fishery produce na mabibili sa murang halaga. | ulat ni Merry Ann Bastasa