Tinungo ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang lalawigan ng Tawi-Tawi para ilunsad ang Remote Hearing and Equal Access to Law and Justice o REAL Justice program.
Ayon kay Senior Associate Justice Marvic Leonen, si Chief Justice Gesmundo ang kauna-unahang nakaupong Punong Mahistrado na gumawa ng kasaysayan na bumisita sa Tawi-Tawi.
Isang magandang pagkakataon, aniya, ito para ipakita sa taumbayan na binababaan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang mga liblib na lugar.
Nagpapakita din ito na patas ang hukuman sa Pilipinas at tumitiyak na mayroong umiiral na hustisya sa bansa.
Sumama rin kay Chief Justice Gesmundo sa Tawi-Tawi ang iba pang mahistrado ng Supreme Court tulad nina Associate Justice Jafar Dimaampao at Associate Justice Maidas Marquez.
Nandoon din sina Office of Presidential Adviser on Peace and Reconciliation Adviser Carlito Galvez Jr., at mga opisyal ng AFP at PNP. | ulat ni Mike Rogas
#RP1News
#BagongPilipinas