Nanawagan si Senador Francis Tolentino sa pambansang pulisya na maghinay-hinay at pag-aralan na munang muli ang amyendang ginawa sa IRR (implementing rules and regulations) ng Comprehensive Firearms and Ammunition Act o RA 10591.
Dito ay pinapayagan ang mga sibilyan na magmay-ari ng semi-automatic rifles gaya ng M14.
Ayon kay Tolentino, dapat rebyuhin muli ng PNP ang magiging epekto nito sa peace and order ng bansa at sa ngayon ay magkaroon muna ng moratorium dito.
Giit ng senador, dapat higpitan ang screening ng mga sibilyan na papayagan na magkaroon ng mataas na kalibre ng baril.
Nangangamba rin si Tolentino na baka tumaas ang insidente ng road rage dahil sa pagbabagong ito.| ulat ni Nimfa Asuncion