Ikinalugod ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-kumpirma ng Commission on Appointments (CA) sa pangunguna ni Senate President at CA Chairperson Juan Miguel Zubiri, ng ad-interim appointment ng 46 na senior military officials.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang kumpirmasyon ng naturang mga opisyal ay testamento ng epektibong pagpapatupad ng “meritocracy system” sa pagpili ng mga mahuhusay na lider ng militar.
Dito’y pinapahalagahan ang merito, kakayahan, karakter, karangalan at integridad ng mga opisyal sa kanilang pag-angat ng ranggo.
Kabilang sa mga nakumpirma ng CA kahapon ang 5 Major General sa pangunguna ni MGen Edmundo Peralta, ang Chief of the Intelligence Service AFP; 19 Brigadier General/Commodore, at 22 Colonel/Navy Captain. | ulat ni Leo Sarne
Photos by SSg Amagan/PAOAFP