Nakatanggap ng ayudang pinansiyal mula sa National Housing Authority (NHA) XI sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program ang 240 pamilya mula sa Davao Occidental at Davao Oriental na biktima ng kalamidad.
Kahapon March 6, 218 na pamilya mula sa Don Marcelino, Davao Occidental ang nakatanggap ng tig P10,000 para sa totally damage na bahay habang P5,000 sa mga partially damaged.
Kasabay nito ay ginawa rin sa Tarragona Davao Oriental ang Emergency Housing Assistance Program (EHAP) para sa 22 pamilyang biktima ng Typhoon Paeng, mula sa lungsod ng Tarragona Davao Oriental.
Matatandaang sinalanta ng bagyong Paeng ang iilang lugar sa Davao Region noong Oktubre 28, 2022. | ulat ni Macel Mamon Dasalla, Radyo Pilipinas Davao