Maituturing na mission accomplished ang 30-man humanitarian team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na namahagi ng malinis na tubig sa mga residente ng Davao Region at Agusan del Sur na apektado ng kalamidad.
Ayon sa MMDA, higit sa 70,000 na galon ng tubig ang kanilang naipamahagi sa halos 30,000 na pamilya sa Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, at Agusan del Sur na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa nakalipas na mga buwan.
Ang naturang pagtulong ng MMDA ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyan ng tulong ang mga apektadong residente sa nasabing mga lalawigan.
Binigyan diin ng MMDA na mahalagang mabigyan ng access sa malinis na tubig ang mga residente lalo na sa lugar na wala o limitado ang supply ng tubig na naging prayoridad ng pamahalaan. | ulat ni Diane Lear
📷: MMDA