Isang Luksang Parangal ang inihandog ng Lungsod ng Taguig para sa namayapang World War II veteran at centenarian na si KGG. Porfirio Gabertan Laguitan sa San Sebastian Chapel, Barangay Wawa nitong Miyerkules, Marso 6.
Si Laguitan ay naglingkod bilang sundalo sa United States Army Forces in the Far East (USAFFE) at matapang na lumaban sa mga dayuhang mananakop noong World War II.
Bukod sa pagiging isang inspirasyon, nagsilbi rin siyang post commander ng 17th Taguig-Pateros Veterans District hanggang sa kanyang pagpanaw noong Marso 2, 2024, sa edad na 100. Siya ay isa sa huling dalawang beterano ng digmaan sa Taguig.
Noong Pebrero 23, 2021, pinarangalan siya at apat pang beterano ng Gawad Pagkilala ng Taguig Heritage Society at Taguig Veterans Affairs Office.
Ang Luksang Parangal ay dinaluhan ng mga konsehal at opisyal ng pamahalaang lungsod na nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng yumaong beterano. | ulat ni AJ Ignacio
📷: Taguig LGU