Nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa Benham Rise.
Ito ang iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng isinagawang pagpapatrolya ng mga barko ng Pilipinas sa nasabing karagatan.
Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo ngayong araw, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad na sa nakalipas na mga araw ay walang namataang foreign vessel na namamalagi sa lugar.
Bagaman inamin ni Trinidad na may ilang barko ng China na na-monitor subalit ito’y dumaan lamang at hindi humimpil sa Benham Rise.
Magugunitang nitong nakalipas na linggo, namataan ang dalawang barko ng China sa Benham Rise subalit hindi rin nagtagal ay umalis din ito.
Tiniyak naman ng AFP na patuloy ang ginagawa nilang pagbabantay sa nasabing karagatan. | ulat ni Jaymark Dagala