Panukalang pagdadagdag ng Shari’a Courts sa buong Pilipinas, tatalakayin na sa plenaryo ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naipresenta na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na nagsusulong na madagdagan ang Shari’a Courts sa buong bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill 2594, layong makapagtatag ng tatlong dagdag na Shari’a Judicial Districts at 12 Shari’a Circuit Courts.

Sa ilalim ng panukala, magtatatag ng Shari’a District Court sa Davao City, Cebu City at sa Manila City.

Habang limang Shari’a Circuit Courts na itatayo sa Valencia City, Ginoog City, Ozamis City, Mambajao City, at Cagayan de Oro City; tatlong Shari’a Circuit Courts sa Cebu City, Tacloban City at Iloilo City; at apat na Shari’a Circuit Courts na itatayo sa Manila City, Taguig City, Dagupan City at Puerto Prinsesa City.

Ayon sa sponsor ng panukala na si Senate Committee on Justice Chairman Senador Francis Tolentino, layon ng panukalang ito na madagdagan ang mga Shari’a Court na hahawak at magreresolba sa mga disputes na may kaugnayan sa Muslim personal laws.

Isinusulong aniya ito para matiyak na mas magiging accessible sa mga kababayan nating muslim ang mga Shari’a Court at magtataguyod ng patas na pagtrato sa mga Muslim nasaan man sila sa bansa.

Hiningi naman ni Senador Robin Padilla ang suporta ng mga kapwa niya senador para sa panukalang ito.

Giit ni Padilla, kailangang kailangan ng mga kapatid nating Muslim ang dagdag na Shari’a Courts.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us