Pumalo sa pitong investment deals na nagkakahalaga ng 4.2 billion US dollars, ang nalagdaan sa working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Berlin, Germany.
Ilan dito ay para sa pamumuhunan para sa fully integrated solar cell manufacturing facility sa bansa, pagkakaroon ng partner hospital na magsisilbing training center na susuporta sa training needs ng mas maliliit na ospital.
Kabilang rin ang MOA para sa rehabilitasyon o muling pagbuhay ng degraded farmlands.
Kabilang rin ang Letter of Intent (LOI) para sa pag-develop ng Innovation Think Tank (“ITT”) hub, para sa inclusive innovation ecosystem sa Pilipinas
Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na tiwala ng German businessmen sa kakayahan at talento ng mga Pilipino.
“We are grateful for the interest of German companies to support the Philippines’ commitment to sustainability and climate resiliency through the renewable energy investments that we received and were accounted as the top sector from Germany in 2023. To further support these investments, we have put in place several energy transition policies including investment enablers designed to incentivize energy efficiency.” -Pangulong Marcos.
Hinikayat ng Pangulo ang mga ito na ikonsidera ang Pilipinas, bilang isang maaasahang kabalikat sa pagpapalago at paglalawak pa ng kanilang mga negosyo.
“I invite esteemed German business leaders to continue to keep in mind the Philippines as a reliable partner that can support your market expansion and operations. We remain steadfast in our commitment to purposeful reforms, evident in key legislative amendments.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan