Lumapag sa runway ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ilang Pilipinong tripulanteng nakaligtas sa missle attack sa isang barko sa Gulf of Eden.
Eksaktong alas-5:22 ngayong hapon, lulan ng Ethopian Flight ET664 ang Pilipinong tripulanteng mula sa Gibouti.
Sa ngayon, ang mga tripulante ay sasailalim sa proseso ng immigration at sasalang sa isang briefing sa NAIA bago ang nakatakdang pagharap sa media kasama ng ilang opsiyal ng gobyerno.
Ang mga tripulante ay inaasahang tatanagap din ng tulong mula sa Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare Development (DSWD) at iba pang ahensya ng gubyerno na nakaabang na ring sa kanilang pagdating. | ulat ni AJ Ignacio