Nananatiling matatag ang presyuhan ng bigas sa Agora Public Market sa San Juan City.
Ito’y dahil bukod sa panahon ng anihan ng mga lokal na bigas, patuloy din sa pagdating ang mga imported o inangkat na bigas.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nananatili sa P50 hanggang P52 kada kilo ang presyo ng pinakamurang well-milled rice.
Ayon sa mga nagtitinda ng bigas, bagaman marami ang suplay ng bigas, hindi pa rin nila maibaba sa P48 hanggang P49 ang kada kilo ng kanilang mga paninda dahil sa mataas pa rin ang kanilang logistics cost.
Bukod kasi sa malikot na presyuhan ng mga produktong petrolyo, mahal din ang transportation cost.
Nabatid na batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bahagyang bumaba ang wholesale price ng bigas nitong Pebrero sa P47.62 ang kada kilo ng regular-milled rice habang nasa P50.56 naman ang presyuhan ng well-milled na bigas. | ulat ni Jaymark Dagala