Sapul sa video ang banggaan at pagtakbo ng isang kolorum van na nahuli sa isinagawang operasyon ng Department of Transportation – Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) sa tapat Heritage Hotel EDSA corner Roxas Boulevard.
Batay sa inisyal report ng SAICT- Special Operations Group, dalawang kolorum na sasakyan ang pinara, at hinanapan ng kaukulang dokumento.
Habang iniisyuhan ng ticket, walang habas na humarurot ang drayber ng kolorum na van nang makakita ito ng tyempo at naka-go signal ang traffic light sa intersection na nagdulot ng habulan at bangaan sa pagitan ng kolorum na van at sasakyan ng SAICT.
Ayon sa SAICT, ligtas at walang malubhang nasugatan sa nangyaring insidente na agad naman idinulog sa Pasay Traffic sector kasabay ang planong pagharap ng pasaway na driver sa patung-patong na kaso.
Samantala, panawagan ng SAICT sa mga pasaway na kolurum na huwag ilagay sa kapahamakan ang kanilang mga pasahero at matutong sumunod sa batas-trapiko. | ulat ni Diane Lear