Ang National Nutrition Council (NNC) ay lumagda sa partnership para mapalakas ang mga kakayahan ng mga nutrition worker sa komunidad.
Ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng NNC at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay magbibigay ng scholarship sa mga piling barangay nutrition scholars, para ma-qualify sa Community Nutrition Services National Certification II.
Si TESDA Director-General at Secretary Suharto T. Mangudadatu mismo ang lumagda sa kasunduan kasama si NNC Executive Director Assistant Secretary Azucena M. Dayanghirang, MD, sa ceremonial signing event na ginanap sa TESDA.
Sila Deputy Director General Aniceto Bertiz III, Deputy Director General Rossana Urdaneta, Ms. Jovita Raval, at Ms. Cheryll Millano ay sumaksi sa event na inilunsad sa 19th General Directorate Conference ng TESDA.
Sa isang mensahe, inihayag ni Assistant Secretary Dayanghirang ang kaniyang lubos na suporta sa NNC at sa implementasyon ng kasunduan.
“Itong skills training program ay ang mag-standardize sa kakayahan ng Community Nutrition Workers para makatulong sa pagbibigay ng mga serbisyo na may kinalaman sa nutrisyon, sang-ayon sa ipinahiwatig sa Philippine Plan of Action for Nutrition 2023-2028 na isang framework sa pagpapaunlad ng nutrisyon sa bansa, ayon kay Dayanghirang. | ulat ni Dang Jumala, Radyo Pilipinas Davao