Paiimbestigahan na rin ni Senator Cynthia Villar ang isyu ng pagtatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol.
Ayon kay Villar, maghahain siya ng resolusyon para magkaroon ng Senate Inquiry at malaman kung paanong nangyaring nakapagpatayo ng resort sa gitna ng Chocolate hills na itinuturing na protected UNESCO Geopark.
Inaasahang ang Senate Committee on Environment, na pinamumunuan ni Villar, ang siya ring mamumuno sa naturang pagdinig.
Una nang naghain na rin ng resolusyon si Senate Committee on Tourism Chairperson Senador Nancy Binay para maimbestigahan ang isyu sa layuning mapangalagaan ang protektadong lugar ng Bohol at isa sa mga pangunahing tourist attraction ng bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion