Natapos na ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang P50-million road asphalting project na ipinatupad sa bahagi ng Barangay Nilo sa Bayan ng Tigbao sa Lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, Regional Director ng DPWH Region-9, ang aspalto ay may kapal na 50mm nang inayos at tinapalan ang sira-sirang bahagi ng national highway sa bayan ng Tigbao.
Ito ay may habang 896 linear meters na nagmula sa Barangay Maragang hanggang Barangay Niló.
Ang nasabing proyekto ay pinangasiwaan ng DPWH Zamboanga del Sur 2nd District Engineering Office.
Ang pondo ay kinuha naman ng kagawaran mula sa General Appropriations Act (GAA) 2023.
Nilagyan din ito ng puti at dilaw na reflectorized thermoplastic pavement markings para sa kaligtasan ng mga motorista.
Ayon kay Director Dia, ang aspaltadong kalsada ay nagbibigay ng maayos na biyahe ng mga motorista, at makatutulong sa pagpapalago ng ekonomiya sa rehiyon partikular na sa Lalawigan ng Zamboanga del Sur. | ulat ni Lesty Cubol, Radyo Pilipinas Zamboanga
📸 DPWH Regional Office-9