Pinuri ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang pagkakasabatas ng Republic Act 11984 o ang Anti-No Permit, No Exam Act.
Sa ilalim ng naturang batas, ang mga disadvantaged students na mayroon pang mga hindi nababayarang tuition fee at iba pang school fee ay papayagan nang makakuha ng exam.
Si Revilla ang principal author ng naturang panukala.
Nakasaad sa panukala na lahat ng mga pampubliko at pribadong educational institution ay imamandato ang lahat ng mga pribado at pampublikong educational institutions na payagan ang mga disadvantaged students na makakuha ng kanilang final exam.
Sakop nito ang basic education institutions (Kto12), higher education institutions at technical vocational institutions.
Ayon kay Revilla, ang layunin ng panukala ay makapagbukas ng mas maraming pinto para sa mga estudyante na ituloy ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng edukasyon at sa tulong ng pamahalaan.| ulat ni Nimfa Asuncion