Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez si President Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaniyang pagbabalik bansa matapos makasungkit ng napakaraming benepisyo para sa Pilipinas at mga Pilipino mula sa kaniyang magkasunod na biyahe sa Germany at the Czech Republic.
Ayon sa House leader ang natanggap na suporta ng Pilipinas mula sa dalawang bansa para sa proteksyon ng ating soberanya at mga karapatan sa West Philippine Sea, bilyong dolyar na investment deals, at nilagdaan ang mga kasunduan na lilikha ng libu-libong trabaho para sa mga Pilipino ay nagpapakita sa kahalagahan ng personal na diplomatikong inisyatiba ni Pangulong Marcos.
Sa pamamagitan kasi aniya nito ay napapanday ng mga lider ang kanilang relasyon at pagtitiwala sa isa’t isa.
“The immensely beneficial outcomes of President Marcos’ trip to Germany and the Czech Republic starkly demonstrates the crucial rule of personal interaction between leaders of nations in enhancing bilateral relations and advancing national interest. Face-to-face interactions allow leaders to develop personal relationships and build trust with each other. Trust is a fundamental component of international relations, and personal interactions can help leaders understand each other’s perspectives, intentions, and concerns better,” aniya
Tinikoy nito na kapwa binigyang diin nina German Chancellor Olaf Scholz at Czech Republic President Petr Pavel ang pagsuporta ng kani-kanilang mga bansa sa posisyon ng Pilipinas na dapat kilalanin at sumunod sa rules-based order, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sa West Philippine Sea.
Ani Romualdez ang mga pahayag na ito ay nagsisilbing mensahe sa domestic at international community nag solidong commitment ng naturang mga bansa para sa ikabubunti ng kani-kanilang nasasakupan.
“In statecraft, as well as in business, successful personal interactions between leaders can create momentum for further engagement and cooperation between their respective countries, leading to sustained progress in bilateral relations,” sabi pa niya.
Sa tatlong araw pa lang na working visit ng Pangulo sa Germany, nakakuha na ito agad ng USD 4 bilyon o P220 bilyong na halaga ng pamumuhunan mula sa walong magkakaibang kasunduan.
Maliban pa ito sa pagpapalakas ng sa kooperasyon sa kapayapaan at pagpapaunlad, maritime, climate change, trabaho, pakikipagkalakal at pamumuhunan—lalona sa green energy initiatives—at proteksyon ng karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa mga bansa sa Europa.
Habang naibida rin ni PBBM sa Czech business community na mamuhunan sa Pilipinas sa sektor ng IT-BPM, electronics, manufacturing, food and agriculture, at automotive/EV manufacturing.| ulat ni Kathleen Forbes