Nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang isang babae matapos itong mahulog sa Quiapo Underpass mula sa tulay Recto kaninang umaga.
Ayon sa mga paunang balita na nakalap ng Manila DRRM Office mula sa mga tambay at kapulisan ay nakaupo umano sa barandilya ng tulay ang biktima nang bigla na lang mawalan ng balanse na sanhi nang pagkahulog nito.
Sinabi rin ng ilang mga nakasaksi na nakarinig sila ng malakas na tunog mula sa ilalim ng Recto – Quezon Boulevard Underpass.
Agad namang nabigyan ng paunang lunas ang nasabing biktima at maingat na inilikas sa lugar kaakibat ang tulong mula BFP-EMS at tsaka inihatid sa pinakamalapit na paggamutan. | ulat ni EJ Lazaro