Inanunsyo na ng LRT line 1 ang schedule nito sa darating na Holy Week ngayong taon.
Ayon sa private operator nito na Light Rail Manila Corporation (LRMC), magkakaroon sila ng temporary suspension sa kanilang serbisyo simula March 27 (Holy Wednesday) hanggang March 31, 2024 (Easter Sunday).
Ang naturang pagsasara ay kinakailangan anila para sa kanilang annual preventive maintenance activities.
Gagamitin din nila ang naturang panahon para sa mandatory testing activities para sa system integration ng LRT-1 Cavite Extension.
Paliwanag ng LRMC, mahalaga ang naturang mga test para maisakatuparan ang partial operations ng naturang linya sa fourth quarter ng 2024.
Kasabay nito ay tiniyak naman ng LRMC na mananatili ang kanilang regular operating hours sa March 25 (Holy Monday) at March 26 (Holy Tuesday).
Balik normal naman ang operasyon ng LRT1 sa April 1, 2024, araw ng Lunes. | ulat ni Lorenz Tanjoco