Gumugulong na ang imbestigasyon ng Bohol Task Force sa kontrobersyal na Captain’s Peak Resort sa tanyag na Chocolate Hills sa Sagbayan, Bohol.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr., pagdating sa lalawigan ng anim na miyembrong binuong Task Force ay agad na pinasimulan ang imbestigasyon.
Nangangalap na ng mga kinakailangang dokumento ang DILG probe team.
Gayundin ang pagtukoy sa mga nasa likod ng konstruksyon ng resort.
Sinabi ni Abalos na titingnan ng Task Force ang posibleng liability at accountability, gayundin ang pagrekomenda ng pagsasampa ng kaso sa lahat ng sangkot sa pagtatayo ng resort.
Inatasan na rin ng DILG Chief ang mga local government unit na sangkot na makiisa sa proseso ng imbestigasyon.
Pagtiyak pa ng kalihim na sinuman ang mapatunayang nagkasala ay masasampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman. | ulat ni Rey Ferrer