Magsasagawa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Bureau of Fire Protection (BFP) ng fire drill sa MMDA Head Office sa Pasig bukas, alas-9 ng umaga.
Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month.
Ayon sa MMDA, layon ng nasabing aktibidad na palakasin ang kahandaan at pataasin ang antas ng kamalayan ng mga kawani ng ahensya kaugnay sa panganib na dulot ng sunog.
Tampok sa aktibidad ang pagsasagawa ng mga tauhan ng BFP ng aktwal na fire drill safety tips at demonstration sa umaga at evaluation ng fire drill sa hapon.
Ituturo rin sa mga kawani ng MMDA ang mga dapat gawin upang maging ligtas sakaling magkaroon ng sunog. | ulat ni Diane Lear