Tiniyak ng Police Regional Office (PRO) 11 na handa silang tumulong sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay PRO 11 Regional Director Police Brig. General Alan Delvo, inaantabayanan nalang nila ang kopya ng kautusan ng Senado.
Sinabi ni Delvo, nakahanda na ang contingency plan ng PRO-11 kung sakaling may tangkang harangin ng mga taga sunod ni Quiboloy ang mga pulis na kasama ng Sgt. at Arms ng Senado sa pagpapatupad ng kautusan ng mataas na kapulungan.
Paniniwala ni Delvo nasa Davao parin ang kontrobersyal na lider ng Kingdom of Jesus Christ.
Nanawagan naman ang PNP sa mga taga-sunod ni Quiboloy na manatiling mahinahon, at may mga abogado naman si Quiboloy para tiyakin na alinsunod sa legal na proseso ang pag-aresto sa religious lider. | ulat ni Leo Sarne