Binigyang diin ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines na seryoso ang mga ito sa pagpapatupad ng seguridad at kaligtasan sa kanilang nasasakupan.
Ito ang naging pahayag ni CAAP Area 5 Manager Cynthia Tumanut matapos hatulan ng municipal trial court sa Albay ang isang lasing na nagpumilit pumasok sa kanilang paliparan.
Pinuri naman ni CAAP Director General Capt. Manuel Antonio L. Tamayo ang Bicol International Airport dahil sa nangyaring hatol sa nasabing trespasser at mahalaga aniya na ipaalam sa publiko na mananagot ang sinumang lalabag sa seguridad ng kanilang paliparan.
Matatandaang noong Nobyembre ng nakaraang taon ay isang 29-anyos na lango sa alak ang nagpumilit pumasok sa Bicol Airport at hinahanap umano nito ang kaniyang kaibigan.
Dito na nagkaron ng komosyon at naging dahilan ng reklamo laban dito na siyang hinatulan naman ng korte ng guilty at pinagmulta ng P5,000. | ulat ni Lorenz Tanjoco