QC LGU, gumagawa ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng Dengue

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy nang gumagawa ng mga hakbang ang Quezon City Local Government para mapuksa at mapigilan ang pagkalat ng dengue sa lungsod bago pa man dumating ang panahon ng tag-ulan.

Ayon sa LGU, patuloy na naglilibot sa iba’t ibang barangay ang mga tauhan ng City Epidemiology, Disease and Surveillance Unit at City Health Department para mabigyan ng proteksyon ang publiko laban sa dengue.

Para sa ligtas na komunidad, nagsasagawa ang mga ito ng dengue forum, dengue case investigation gayundin ng spraying, citronella planting seminar, clean up drive, fogging, at OL trap.

Batay sa ulat ng QC Epidemiology Disease and Surveillance Unit, mula Enero 1 hanggang Marso 9, 2024 umabot na sa 749 dengue cases ang nai-report sa lungsod.

Pinakamaraming naitala ay sa District 1 na may 154 cases, dalawa na ang namatay mula sa District 1 at district 2. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us