Bilang pagpapaigting ng laban kontral iligal na droga ay hinikayat ni Interior Sec. Benhur Abalos ang mga residente ng lungsod Muntinlupa na makiisa sa laban ng pamahalaan dito.
Sa ginawang pagbisita ni Abalos sa Muntinlupa, ibinida nito ang programa ng Philippine National Police na ‘Revitalized – Pulis sa Barangay’ program o RPSB.
Paliwanag ni Abalos, maganda ang naturang programa dahil nagpapakita ito ng pagiging tao ng isang pulis.
Ayon sa Kalihim, ang mga pulis ay itinatalaga sa isang barangay para makasalamuha ng mga residente at sa pamamagitan aniya nito ay makikilala ng mga residente ang mga pulis gayundin ang mga pulis sa kanilang mga kapitbahay.
Mamumuhay aniya ang pulis kasama ang residente, dito titira ,matutulog kakain sa pang-araw-araw.
Giit ni Abalos na dahil sa naturang programa, malaki ang nabawas sa mga focused crime ng PNP dahil nakilala na ng mga kapulisan kung sino ang sino sa lugar at mas madaling nagagawan ng solusyon ang mga problema.
Pero paglilinaw ni Abalos na hindi magiging matagumpay ang RPSB kung hindi dahil sa pakikiisa ng komunidad at ng barangay. | ulat ni Lorenz Tanjoco