Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang World TB Day 2024 na ginanap sa Muntinlupa Sports Center.
Kaisa dito ang Department of Health at iba’t ibang sangay ng LGU gayundin ang ilang TB survivor organizations.
Ayon kay City Health Office-Muntinlupa (CHO) Head Dr. Juancho Bunyi, isa ang sakit na tuberculosis o TB sa nangungunang sanhi ng pagkamatay sa lungsod.
Mensahe ng opisyal na ang publiko ang gumagawa ng isang kapaligiran kung saan kayang talunin at tuldukan ang paglaganap ng TB.
Sa nabanggit na pagdiriwang din ibinalita ng CHO ang prestihiyosong karangalan na nakuha ng Pilipinas bilang ‘Guinness World Records for Largest Human Lung Formation’ na pinangunahan ng Department of Health (DOH) katuwang ang 5,596 participants kung saan 40 participants ay mula sa Muntinlupa City.
Layunin nito na magbigay ng global awareness at matuldukan ang stigma laban sa TB.
Lubos ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa pakikiisa ng TB People Philippines, isang international based, non-government organization na binubuo ng TB survivors, upang sugpuin ang sakit. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Muntinlupa LGU