Tuloy-tuloy ang paglago ng Kadiwa Store sa Parañaque City.
Sa ngayon, 13 na ang Kadiwa Store sa nasabing siyudad na ang ilan pa ay araw-araw bukas simula ala -6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.
Ayon kay Consumer and Welfare Office OIC Millan Alcaraz,plano pang magtayo ng karagdagang Kadiwa matapos humiling ang chairman ng isang barangay.
Samantala, mura ang kamatis ngayon sa Kadiwa na nasa 15-20 pesos ang kada kilo.
Ayon sa isang suki ng Kadiwa Store, malaking tulong ang pagkakaroon ng Kadiwa kung saan makakabili ng mura at sariwang mga produkto. | ulat ni Don King Zarate