Muling nagbigay ng paalala ang Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa pagbabawal ng premature campaigning para sa darating na May 2025 midterm elections, at hindi exempted dito ang mga artista.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, na kapag ang isang indibidwal ay nakapag-file na ng kayang Certificate of Candidacy (COC) ngayong Oktubre, magiging saklaw na ito ng pagbabawal sa premature campaigning kung nangampanya bago ang campaign period. Sakop nito ang pangangampanya sa mga telebisyon, pelikula, at social media.
Sa pagbabalik-tanaw naman sa nagdaang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), umaasa si Garcia sa publiko, na walang mga legal challenges na mangyayari para sa paparating na eleksyon kung saan ipinatupad ang kaparehas na pagbabawal ng COMELEC.| ulat ni EJ Lazaro