Matagumpay na isinagawa ng pinasama-samang pwersa ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region IV-A, PDEA Pangasinan, Aguilar Municipal Police Station, at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang isang buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Aguilar, Pangasinan kahapon—ika-22, Marso 2024.
Ang isinagawang buy-bust operation ay nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang magkapatid na itinuturing na mga High Value Individual.
Kinilala ng kapulisan ang dalawang suspek na sina Alyas Don, labingsiyam (19) na taong gulang at Alyas Ver, dalawampu’t anim (26) na taong gulang na pawang mula sa Bukon, Benguet.
Dagdag dito, nasabat sa dalawang suspek ang hinihinalang marijuana na mayroong kabuoang timbang na labindalawang libong (12,000) gramo at mayroong tinatayang halaga na P1,440,000.000, gayundin ang isang motorsiklo at boodle money.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2004.
Samantala, nananatiling matatag ang Pangasinan PPO at PDEA Pangasinan sa pangako nitong puksain ang presensiya ng droga sa lalawigan.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan